Powered By Blogger

Wednesday, April 13, 2011

“Batas: Isang Pagbilanggo"

Batas dito… Batas doon… Batas kahit saan… Kahit saan mang lupalop ng mundo pumunta ang tao, may batas na kailangan sundin.
Ang batas ang nagdidikta ng kung ano ang tama at mali. Sa pamamagitan ng pagdikta nito ng tama at mali, hindi natin napapansin na tayo’y nagiging isa. Iisa ang galaw dahil takot tayong maparusahan. Takot tayong makagawa ng mali dahil ang kapalit ay pagkakakulong. Ang mga ganitong uri ng batas ay maituturing na batas na gawa ng tao. Ang batas ng tao ay “mga batas na binuo ng mga tao, ipinasa sa kongreso o sa senado, sumasailalim sa mga pagdinig at pagsusuri bago itinakdang maging batas.”[1]
Mayroong din namang batas na hindi binuo ng tao ngunit naging likas na kaya’t patuloy na sinusunod ng tao tulad ng bawal magsusuot ng palda ang mga lalaki, bawal magdamit ng panglalaki ang mga babae, bawal magkaroon ng relasyon ang guro at estudyante. Ang mga batas na ito’y

hindi na kailangang isulat dahil ito na ang nakagawian at nakasanay ng mga tao.
“The rule of law requires that people should be governed by accepted rules, rather than by the arbitrary decisions of rulers. These rules should be general and abstract, known and certain, and apply equally to all individuals.”[2] Isa itong patunay na ang batas ay dapat tinatanggap ng tao at hindi ito ginawa ng mga nakakataas para sa pansariling pangangailangan.
Kung ang batas ang nagpapagalaw sa tao, ibig sabihin nito’y ang mga tao ay nagiging isa na lamang. Kung nagiging isa ang mga tao dahil sa batas, bakit mayroon at mayroon pa ding mga tao tulad ni Professor Hassan na lumilitaw?
Umiikot ang papel na ito sa pagsagot sa katanungan na bakit hindi magawang magpag-isa ng Batas ang mga tao kung ito naman ang nagtatakda ng dapat at hindi dapat gawin ng tao.
Para magkaroon tayo ng ideya kung bakit si Professor Hassan ay naging rebelde kailangan natin siyang kilalanin ng mabuti. Ayon sa nobela si Professor Hassan ay isang Muslim na professor na nakapagtapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Bachelor of Arts in Political Sciences. Pagkatapos ng kanyang pag-araal sa Unibersidad ng Pilipinas siya’y kaagad kinuha ng Normal College para doon magturo. Sa kolehiyong ito kanyang nakilala si Rosy France.

Pagkatapos makilala si Professor Hassan Kailangan namang malaman kung anong panahon ang nangyari ang mga kaganapan sa nobela. “Thursday evening at the end of May 1972, a good four months before Martial Law was declared throughout the country…”[3] Ayon sa nobela ang panahon nito ay panahon ng martial law. Malinaw na malaki ang kinalaman ng panahon na ito sa nobela kaya’t nagkaroon ng Professor Hassan.
Bakit ba nagkaroon ng Martial Law?
“Under the guise of insurrection and by staging of several bogus "ambushes" on members of the cabinet, Marcos manipulated, ever tailored events to justify the imposition of Martial Law. He cited rebel factions, seditious Communist elements and Muslim extremists as reasons for his decision. In truth, many of the said elements were disgruntled citizens who were fed up with the corruption of the Marcos government, decided to take matters into their own hands.” [4] Sinasabi nito na ipinataw ni Pangulong Marcos ang Martial Law dahil sa mga rebelde, komunista at mga muslim na kumakalaban sa kanya. Kinakalaban siya dahil nakita nila ang pagiging gahaman nito sa pera.
Kung tutuusin, sa umpisa ng nobela, si Professor Hassan ay hindi rebelde. Sinabi nga sa nobela na hindi siya magpahahalatang muslim dahil magaling itong makitungo sa mga Kristiyano. Sinasabi rin sa nobela sa siya’y may maganda katayuan sa buhay dahil ang kanyang suot na damit ay may tatak. “To be wearing Jackmans’ Tailoring was to be a man of class.”[3]

Hindi aakalain na magiging rebelde si professor Hassan ngunit, dahil sa siya’y Muslim at nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas ng kursong Bachelor of Arts in Political Sciences, maaaring ito ang dahilan kung bakit siya’y naging rebelde. Maaaring masabi na naging mulat na siya sa mga pang-aabuso ng gobyerno.
Malaki ang kinalaman ng kanyang kurso upang siya’y maging mulat sa pag-aabuso na ginagawa ng gobyerno sa kanya kapangyarihan. Maaaring nakita niya na dahil sa batas na ito naging bilanggo na naman ang mga tao.
Ang batas ang dapat na nangangalaga ng kaayusan ng lipunan. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng gahamang presidente, ang layuning ito ng batas ay naging iba. Sa panahon nga ng Martial Law lahat ng tao ay nakabilanggo sa kanilang mga tahanan at napaparuhasan na hindi na dumadaan sa tamang proseso. “Those were dark times indeed. As the write of habeas corpus was suspended, the military picked up and incarcerated many innocent civilians on trumped up charges of sedition. More often than not, these people were convicted without trial, and denied the due process of law. Curfew was imposed leaving many stranded in their offices, unable to return to the refuge of their homes.” [4]
Ang batas ay isang kasangkapang ginagamit ng ating pamahalaan ung pasunurin ang mga tao. Maaari itong gamitin para sa ikakaayos ng

kanyang pamamalakad sa bansa ngunit maaari din itong gamitin sa pansariling pangangailangan.
Sa panahon ng Martial Law, malinaw na ginamit ng pamahalaan ang batas para mapasunod ang mga tao sa kanya. Dahil sa pagiging makasarili nito kaya’t may mga taong tulad ni Professor Hassan na tumatayo sa sariling paa at kinakalaban ang pamahalaan.
Ang paglitaw ng mga taong tulad ni Professor Hassan ay nagpapakita na sa konsepto ng “tayo” ay mayroon at mayroon mangingibabaw at laging mayroong tinatawag na “sila”. Ang pangingibabaw ni Professor Hassan ay nagpapakita lamang na dahil sa batas na hindi makatarungan ay hindi nagiging isa ang mga tao.
Hindi man nasagot ng buo ang katanungan kung bakit hindi magawang mapag-isa ng batas ang mga tao, nagkaroon naman tayo ng ideya na ang batas ay patuloy na nagdidikta sa atin ng ating dapat gawin. Ang batas ang patuloy na naglilimita sa ating mga tao na gawin ang mga gusto natin gawin.
Ang Martial Law ang isa sa batas na nilikha ng isang makapangyarihang tao sa lipunan na nagpapatunay kung paano tayo, sa pamamagitan ng batas ay mabilanggo sa sariling bayan ay maraming ipinagbabawal.
Bawal dito… Bawal doon… Bawal iyan…

Pinapakita lamang nito na patuloy tayong ikinukulong ng batas. At dahil sa pagkakulong natin sa pamamagitan ng mga batas na ito kaya’t may mga taong lumalabag na dito, tulad nga ng pagiging rebelde ni Professor Hassan. Dahil din sa pagbilanggo sa atin ng batas kaya’t hindi natin maipakita kung sino tayo, nawawala tayo sa ating sarili dahil pinipigilan tayo ng batas na gumalaw sa paraang gusto natin.

Work Cited:
[1] Natural Law at Divine Moral Law: Pamantayang Gabay sa Maayos na Pamumuhay. 11 March 2011. < http://annex.ph-islands.net/ValuesIVLesson6.pdf>
[2] Younkins, Edward. The Purpose of Law and Constitutions. 11 March 2011. <http://www.quebecoislibre.org/000902-11.htm>
[3]Yabes, Criselda. Below the Crying Mountains. Quezon City: UP Press, 2010.
Print
[4] The Beginning of the Revolution: The Philippines Under Martial Law. 11 March 2011. <https://docs.google.com/viewer?a=v&pid=explorer&chrome=true&srcid=0B9EuRH7LJwefZGI3ODVkN2UtZTIxNS00NDI2LWIyY2ItNDg4MWY3MDk4OWM0&hl=en&pli=1>
7 | P a g e

No comments:

Post a Comment

Custom Search