Powered By Blogger

Wednesday, April 13, 2011

Kultura ng Pinoy tuwing Pasko


Krismas buong galak na inaabangan ng mga Pilipino. Ito ang araw na nagpapainit ng puso ng tao. Sa araw na ito lahat ng magkakaaway nagbabati, naghiwalay nagkakabalikan – araw na kung saan ang kapangyarihan ni Hesus ay naghahari. Sa tuwing sasapit ang buwan ng ‘ber’ lahat ng mga Pilipino’y nag-aayos na ng kani-kanilang tahanan. Malayo pa nga ang disyembre ngunit nararamdaman na and diwa nito.
Ang Krismas nga’y maituturing na isa sa mga kulturang popular dahil marami gawi ang Pilipino na naging popular sa tuwing sasapit ang krismas. Maraming magtataka kung anu-ano ang mga gawi ng tao na naging popular tuwing pasko dahil hindi naman kapansin-pansin na ang mga ito. Ayon nga sa depinisyon ng aming propesor sa Pan Pil 17 ng Kulturang Popular na si Doctor Teresita Maceda, ang kultura o gawain ay magiging popular kung ito’y ginagaya, tinatangkili, nagbabago, naluluma at higit sa lahat gawa ng tao ngunit maaari rin itong popular ngunit hindi ginagaya dahil hindi angkop para sa kanila. Halimbaw nito ay paano ka bibili ng masigabong pagkain para sa Noche Buena kung ang pera mo ay sampu, bente o isang daang piso lamang.
“Ano nga bang gawain ng mga Pilipino na nagiging popular tuwing pasok?”
            Maraming gawain ang mga Pinoy, hindi sa Luzon kundi pati Visayas at Mindanao maliban lang sa mga taong kapos sa pera, ang laging nilang ginagawa tuwing sasapit ang buwan ng ‘ber’, isa na dito ang pag-aayos nila ng kanilang tahanan. Kanilang pinapalamutian ang kanilang tahanan ng iba’t ibang Krismas décor na mamahalin.Kung tutuusin maganda naman ang pagiging popular ng gawaing ito ngunit ang masamang epekto nito ay nakakalimutan na natin mga Pilipino ang kaugalian natin na pagiging simple.
            Isa pang gawain ng mga Pinoy ay ang pagbibigayan ng regalo sa mga kaibigan, inaanak, lolo, lola, mga magulang, mga guro o propesor at iba pang malapit sa puso ng tao. Gamit ang depinisyon ng aming propesor sa Pan Pil 17 tunkol sa kulturng popular, ang pagbibigayan ng mga regalo ay isa rin sa gawain ng mga tao na maituturing na popular tuwing pasok. Alam naman nating lahat na ang pagbibigayan ng regalo Pasok ay sinimulan ng mga Katoliko. Totoo ngang ang gawain na ito’y naging popular hindi lang sa mga Katoliko pati na din sa mga hindi Katoliko tulad ng Protestante, Muslim, Iglesia ni Kristo at marami pang iba.
            Natatandaan ko noong ako’y nasa Ikatlong Taon sa Hayskul nagkaroon kami ng isang gawain na kailangan magtanong sa ibang mga hindi Katoliko kung sila ba’y nagdidiwang ng pasok. Tamang tama dahil mayroon akong mga pinsan na hindi Katoliko kaya’t naging madali ang gawaing ito. Aking tinanong, “Paano niyo ba pinagdidiwang ang pasok?” Ang kanyang tugon sa tanong na ito ay hindi daw sila nagdidiwang ng pasok dahil hindi naman kasama sa kanilang relihiyon ang pagdiwang nito ngunit dahil sa marami ang nagbibigayan ng regalo ay kanila na lang ito sinama sa kanilang gawain tuwing pasok.
            Ayon sa mga tao, “Ang pasok’y panahon ng pagbibigayan  ng regalo.” Totoo ngang tuwing pasok halos ng masa’y nagbibigayan ng regalo. Karamihan ng mga mahihirap at medyo maykaya sa buhay ay nakakabili pa din ng regalo dahil maraming lugar sa Pilipinas ang maaaring pagbilihan ng regalo tulad ng divisoria at greenhills. Ang mga mayayaman naman ay hindi makikita sa mga lugar tulad ng  divisoria. “Saan naman sila makikita?” Karamihan ng mga mayayaman ay makikita sa mga mall tulad ng shangri-la, robinson’s galleria at mga mall na maraming mamahalin na gamit. Sa panahon ng kapaskuhan ang pagigigng masa ng mga Pilipino’y nawawala. Ayon nga sa aming propesor sa pan pil 12 na si Doctor Raniella Barbaza, “Ang mga tao ay magsasabing kami ang ganito ngunit mayroon at mayroong lalabas na may mga taong magsasabing hindi kami tulad o kagaya nila na kung tutuusin ay parte ng na sabi grupo o pamayanan.” Pinapakita lamang nito na mayroong pagkakais ngunit hindi nagtatagal at may lulumalabas na mas mataasa at ito ang naglilikha ng realidad na may taong magaling at mahina, mayaman at mahirap. Ang ganitong pangyayari ay makikita tuwing sasapit ang kapaskuhan, may mga taong lilitaw at lilitaw at magsasabing, “HINDI KAMI KABILANG SA MASA DAHIL KAMI AY MAYAMAN AT MAY KAPANGYARIHAN SA LIPUNAN.”
            Papahuli pa ba ang pinakagawain ng mga Pilipino tuwing sasapit ang alas dose ng umaga ng disymebre 25? Ito ang tinatawag nating Noche Buena. Kahit kalian ang Noche Buena ay hindi mawawala tuwing sasapit ang Pasok dahil ito ang paraan natin upang ipagdiwang ang pagsilang ni Kristo. Bahagi na ng Noche Buena ang pagbili ng hamon. Sabi nga ng iba,”Ang hamon ang star ng Noche Buena kaya hindi dapat ito mawawala sa hapag-kainan.”
            “Ano nga ba ang tunay na diwa ng Pasok?”
            Hindi natin matatago na sa tuwing sasapit ang pasok, nakakalimutan natin ang diwa nito dahil mas nakapokus tayo sa kung ano ang ating makukuhang regalo o kung anong masasarap na pagkain ang ihahain sa Noche Buena. Ang ilan naman ay may motto na “Shop Until you Drop.” Karamihan sa mga Pilipino’y gumagastos hanggang maubusan sila ng pera. Para bang mauubusan sila ng gamit kung hindi nila ito kaagad bibilin. Totoo ngang naging parte na din ng gawain ng mga Pinoy ang pag-aaksaya ng pera tuwing darating ang buwan ng ‘ber’ karamihan bumibili ng mahal na pangregalo, ang iba naman bumibili ng sangkatutak na pagkain para sa Noche Buena. Dahil sa pagiging popular ng mga gawaing ito nakakalimutan na ng mga Pinoy ang tunay na diwa ng pasok tulad ng pagtulong sa kapwa o pagbabahagi ng kung ano ang sobra sa ating hapag-kainan.
            Nawawala ang diwa ng Pasko dahil sa mga kagustuhan ng mga tao na maging magarbo. Maituturing ito na masamang epekto ito ng pagiging kulturang popular ng mga gawain tuwing pasko dahil kung tutuisin maski simple lang ang Noche Buena at ang pagbibigayan ng regalo ay magiging masaya naman ang pagdiriwang ng Pasok. Hindi naman masamang magdiwang ng magarbo ngunit dahil dito nakakalimutan natin na ang pasko ay araw ni Kristo, araw ng pagmamahalan at pagbibigayan. Dahil sa pagiging magarbo natin nakakalimutan na natin ang ibang tao tulad ng mga mahihirap o ung mga taong gustong magdiwang ng pasko ngunit hindi ito maipagdiwang dahil sa kakulangan ng pera.
            Ayon kay Michael Angelo Lobrin, “Kaya nga tayo nagbibigayan ng mga regalo tuwing darating ang Kapaskuhan; dahil tayo ay nagsusumikap tularan ang ginawa  ng Diyos noong unang Pasok.”[1] Si Kristo ang niregalo ng Diyos sa atin. Pinapakita lang niya ang pagmamahal sa ating lahat sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang Anak upang tayo’y iligtas. Ito ang kaugaliang ating nakakalimutan. Marami sa atin ang naging masyadong naging makasarili dahil lang sa kagustuhan na makapagbigay ng pinakamaganda regalo o kaya’y makapaghanda ng sobrang daming masasarap na pagkain. Nakakalimutan ng mga Pilipino ang realidad na marami ding mga Pilipino ang hindi kayang makapagbigay o makapaghanda ng salu-salo tuwing pasok.
            “Sino bang tunay na masa tuwing kapaskuhan?”
            Ayon kay Doctor Teresita Maceda, “Ang masa ay ang mga taong nagkokonsumo sa kulturang popular.” Tuwing normal na araw ang mga taong kabilang sa masa ay lahat ng mga Pilipino, mahirap man o mayaman. Kung ganoon, maituturing na lahat ng Pilipino ay parte ng masa. Tuwing kapaskuhan ang depinisyon ni Doctor Teresita Maceda ay nag-iibas dahil mas maituturing na parte ng masa ang mga mahihirap o ung mga may-kaya sa buhay ngunit walang sapat na pera para makapagkonsumo ng kulturang popular. Tuwing kapaskuhan ang mga ito ay makikita o mahahalata dahil lumalabas na ang mga mayayaman at mas nakikita ang realidad at posisyon ng mga mahihirap sa lipunan. Maituturing na hiwalay sa masa ang mga mayayaman dahil pinapakita nila na ang pagiging masa ay ung tipo ng mga taong bahagi ng sinasabi nating class C or D minsan pa nga’y class E. Masasabi natin na ang maituturing masa tuwing kapaskuhan ay ung mga taong hindi nakakapagkonsumo ng kulturang popular at ung maituturing na hindi masa ay ung mga mayayaman na patuloy sa pagkonsumo sa kulturang popular. Kaya nga makikita dito na lahat ng mayayaman ay mas nagiging kapansin-pansin at mas lumilitaw sila sa lahat, kaya kapag mayroong nakikitang magagandang palamuti ang bahay sinasabi ng mga nakakakita, “Wow! Ang ganda! Siguro mayaman ang may-ari ng bahay na yan.” Ito ang mga katagang lumalabas sa labi ng tao, mahirap man o may-kaya ng kaunti sa buhay.
            Hindi ba’t ang pasok ay araw ng pagmamahalan? Bakit sa ganitong panahon nawawala ang pagiging isa ng mga Pilipino bilang masa. Kung tutuusin lumalabas lang ang pagiging isa ng mga Pinoy sa tuwing may kalamidad na nangyayari. Hindi ba’t mas magiging masaya ang pasko kung ang bawat isa’y nagkakasundo at mayroon pagkakaisa? Ito ang mga tanong na dapat pumasok sa bawat isip at diwa ng mga Pilipino dahil kung mayroong pagkakaisa at pagmamahalan ang bawat tao hindi magiging importante o magiging popular ang isang kulturang nagtuturo ng pagiging mayabang at makasarili.
            Sa kabuuan, maituturing na ang gawaing pagiging makasarili ang nagiging popular sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Isang malaking hamon ito, na ibalik sa dati, ang pagiging simple ng pagdiriwang ng pasko para magkaroon ng puwang para sa masa. Higit na mas masaya ang pagdiriwang kung gagawin lang itong simple dahil sa araw na ito ang pinakamahalaga ay ang pagmamahalan at pagbibigayan. Ang hamon na baguhin ang nakaugalian ay hamon para sa kabataan . Lahat ng pagbabago ay dapat pasimulan ng mga kabataan dahil mas nakikita nila ang realidad na nangyayari tuwing sasapit ang pasko.
            Ayon nga sa kantang Ngayong Pasok Magniningning ang Pilipino na isinulat ni Jordan Crisostomo,
Ngayong pasko magniningning ang Pilipino
saan man sa mundo tanaw nila ang liwanag mo
bituin ka ng pagmamahal, pinagpala ng Maykapal

sa hirap at ginhawa

umiyak man o tumawa

malayo o malapit

tayo ay sama sama”[2]
                                                                                           
Tayong mga Pilipino’y dapat sabay-sabay na lumiwanag tuwing pasok. Walang mahirap o mayaman, lahat dapat ay nagkakaisa at nagmamahalan. Lahat ay bahagi ng Masa. MASANG PILIPINO!
Sources:
[1] Lobrin, Michael Angelo. Laugh with God Today!: Kagalakang Nagbibigay-buhay. Quezon City: Sheperd’s Voice Publications, Inc., 2010. p 98. Print
[2] Ngayong Pasko Magniningning ang Pilipino. Retrieved from http://kapamilyaonesite.blogspot.com/2010/11/lyrics-ngayong-pasko-magniningning-ang.html



No comments:

Post a Comment

Custom Search